628114402965369
top of page
Maghanap
Larawan ng writer: Joyce Ann Miguel
Joyce Ann Miguel
3 oras ang nakalipas
4 (na) min nang nabasa

Sino Ang Nag-Aalaga Sa Ating Mga Tagapag-Alaga?


Ang Halaga ng Pagkalinga


Isinulat ni: Joyce Ann Miguel


About the Author

Joyce Ann Miguel, Master of Social Work (MSW) Student


Joyce Ann Miguel, Masters of Social Work (Candidate)

Isa sa bawat apat na Canadian ang nagbibigay ng libreng pag-aalaga sa isang mahal sa buhay. Ang trabahong ito ay udyok ng malalim na pagmamahal at dedikasyon, ngunit madali itong mauwi sa isang full-time na trabaho na walang malinaw na paglalarawan ng mga tungkulin. May pagkakataon na mapansin mong ikaw na ang magiging nurse, financial planner, insurance navigator, at personal advocate, habang sinusubukan mo pa ring panatilihin ang sarili mong buhay. 

Kadalasan, ikaw ay malilito kung saan magtatapos ang iyong kakayanan at saan naman mag nagsisimula ang iyong kapaguran. Kung ang pakiramdam mo ay nauubos na ang iyong lakas, hindi ibig sabihin nito na ikaw ay nabibigo. Hindi ka nag-iisa. Tingnan natin ang nakatagong bigat na madalas dalhin ng mga tagapag-alaga at tuklasin ang magaan at praktikal na paraan para maprotektahan ang sariling kalusugan.



Grandchild Taking the Hand of Grandparent


Ang Bigat Na Dinadala Ng Mga Tagapag-Alaga


Emosyonal na Pagkapagod: Madalas na nakararanas ang mga sobrang abalang tagapag-alaga ng halo-halong emosyon tulad ng pag-aalala, takot, depresyon, at minsan ay tahimik na galit. Normal lang na makaramdam ng kalituhan o sama ng loob dahil sa pagnanais na magpahinga, at magalit sa iyong sitwasyon. Ang mga pakiramdam na ito ay hindi nangangahulugang hindi mo mahal ang taong inaalagaan mo; simpleng nangangahulugan na tao ka lang at nauubos na ang iyong lakas.

Ang Tahimik na Pagkapagod ng Katawan: Kapag ang kalusugan ng iba ang iyong inuuna, madalas na napapabayaan mo ang sarili mong pangunahing pangangailangan. Mga palatandaan nito ay ang iyong pagkapagod, pagkagambala sa tulog, humihina na immune system at hindi pagpunta sa mga appointment sa iyong doktor. Hindi na bago ang sadyang pagpapabaya sa sarili ngunit nangyayari ito dahil nararamdaman ng mga tagapag-alaga na wala silang sapat na oras o lakas upang alagaan ang kanilang sarili.


Ang Nakatagong Stress sa Pananalapi: Malaki ang nagagastos sa sariling bulsa kapag nag-aalaga, mula sa gamot at espesyal na kagamitan hanggang sa transportasyon at renovate ng bahay. Marami sa mga tagapag-alaga ang kailangang magbawas ng oras sa kanilang trabaho o tuluyang huminto sa trabaho na magdudulot ng pagbaba sa kanilang kakayahang pag-ipon ng pera.


 

Paano Suportahan ang Iyong Sarili


Kadalasan, hindi kusang nawawala ang burnout pero ang paggawa ng maliliit at sinadyang pagbabago ay makakatulong ibalik ang iyong lakas. Ang pag-aalaga sa sarili ay hindi luho. Ito mismo ang pundasyon na nagpapahintulot sa'yo na magpatuloy.


  1. Paano Iwasan ang Burnout Bago Ito Maranasan

    Ang pag-aalaga sa sarili sa maliit na paraan: Ang self-care ay hindi kailangang laging mabangong spa sa hapon. Puwede itong limang minutong tahimik na pag-higop ng kape sa umaga, sampung minutong lakad sa kalyeng malapit o pagkain ng mainit na pagkain.


    Magtakda ng malinaw pero makatwirang limitasyon: Bumuo ng pang araw-araw na talaan ng mga kayang mong gawin. Okay lang sabihin ang “hindi” sa mga hindi ganoong ka-importanteng bagay at mahalaga rin na panatilihin ang mga appointments sa sariling doktor, hobbies, at social connections.


    Magpraktis ng micro-delegation: Madalas may mga tao nagsasabi, “sabihin mo lang kung kailangan mo ng tulong,” pero bumabalik ang mental na pasanin sa’yo. Magtala ng listahan ng maliliit pero tiyak na gawain na puwedeng ipasa sa iba. Halimbawa, maaari silang bumili ng mga grocery, mag-walis sa beranda, o mag-alaga sa iyong mahal sa buhay sa loob ng 45 minuto.


  2. Paano Pangasiwaan Ang Stress Kapag Pagod Ka Na

    Gamitin ang tulong mula sa lokal na komunidad: Hindi mo kailangang gawin lahat na mag-isa. Tumingin sa mga lokal na resources tulad ng subsidized adult day programs, home health aides, at non-profit na naghahatid ng mga pagkain.


    Gamitin mo ang respite care: Ang respite care ay nagbibigay ng panandaliang pahinga—maaaring sa loob lamang ng ilang oras o ilang araw—sa pamamagitan ng propesyonal na tulong o pansamantalang pananatili sa isang pasilidad. Ang planadong pahinga ay nagbibigay sa’yo ng pagkakataon na magpahinga at magpalakas.


    Sumali sa grupo ng mga caregivers: Ang pakikipag-ugnayan sa mga taong totoong nakaka-intindi ay nakakatulong bawasan ang pakiramdam ng pag-iisa. Ang mga caregiver support group, online man o personal, ay nagbibigay ng ligtas at walang paghusga na espasyo para pag-usapan ang mahihirap na araw at magbahagi ng praktikal na tips.


Paalala


Ang pagbangon mula sa burnout ay nangangailangan ng oras at hindi agad-agad babalik ang iyong enerhiya sa isang magdamagan. Ang pag-aalaga sa isang mahal sa buhay ay isang ma-pisikal, ma-emosyonal, at ma-pinansyal na mahirap na gawain. Ang pagkaranas ng negatibong damdamin o pagod sa katawan ay hindi ibig sabihin na mahina ka, at hindi rin ito nangangahulugang hindi ka mabuting tagapag-alaga. Ang unahin ang iyong kalusugan at humingi ng tulong ay hindi pagsuko. Ito ay paraan para masiguro na patuloy mong maibibigay ang pagmamahal sa taong mahal mo nang hindi nawawala ang sarili mong kapakanan.





References


American Psychological Association. (2021). Common caregiving problems. Apa.Org. https://www.apa.org/pi/about/publications/caregivers/practice-settings/common-problems


Canadian Institute for Health Information (CIHI). (2026, March). Caregiver distress. Canadian Institute for Health Information (CIHI). Www.Cihi.Ca. https://www.cihi.ca/en/indicators/caregiver-distress


Cleveland Clinic. (2023, August 16). Caregiver burnout. Cleveland Clinic. Cleveland Clinic. https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/9225-caregiver-burnout


Government of Canada. (2021). Dialogue – caregivers of older adults. Government of Canada. Government of Canada. https://www.canada.ca/en/national-seniors-council/programs/publications-reports/dialogue-caregivers.html


Gérain, P., & Zech, E. (2020). Do informal caregivers experience more burnout? A meta-analytic study. Psychology, Health & Medicine, 26(2), 1–17. https://doi.org/10.1080/13548506.2020.1803372


Midtbust, M. H., Alnes, R. E., Gjengedal, E., & Lykkeslet, E. (2020). Separation characterized by responsibility and guilt: Family caregivers’ experiences with palliative care for a close family member with severe dementia in long-term care facilities. Dementia, 20(2), 147130121989834. https://doi.org/10.1177/1471301219898341


Olesinski, O. (2024, May). Landmark study finds financial and mental health supports among most pressing needs for caregivers in Canada – Canadian centre for caregiving excellence. Canadian Centre for Caregiving Excellence. Canadian Centre for Caregiving Excellence. https://canadiancaregiving.org/media-release-caring-in-canada/


Pohl, J. S., Bell, J. F., Tancredi, D. J., & Woods, N. F. (2022). Social isolation and health among family caregivers of older adults: Less community participation may indicate poor self‐reported health. Health & Social Care in the Community, 30(6). https://doi.org/10.1111/hsc.14054


Statistics Canada. (2024, April 2). Sandwiched between unpaid care for children and care-dependent adults: A gender-based study. Statistics Canada. Statistics Canada. https://www150.statcan.gc.ca/n1/pub/89-652-x/89-652-x2024002-eng.htm


Zhao, J., Zeng, Z., Yu, J., Xu, J., Chen, P., Chen, Y., Li, J., & Ma, Y. (2021). Effect of main family caregiver’s anxiety and depression on mortality of patients with moderate-severe stroke. Scientific Reports, 11(1), 2747. https://doi.org/10.1038/s41598-021-81596-8


Zhu, Y., Enguidanos, S., Liu, C., & Falzarano, F. B. (2026). Health-related consequences of financial strain among family caregivers in the U.S. Research on Aging. https://doi.org/10.1177/01640275261445851




 
 
bottom of page